UTC/GMT+8 - April 4, 2026 | 11:04 AM
Stay Up-to-date

249 na Ina, Lumahok sa Breastmilk Letting

By: Trixie Mae B. Umali
August 27, 2025 | 8:14 AM (GMT+8)
249 na Ina, Lumahok sa Breastmilk Letting
249 na Ina, Lumahok sa Breastmilk Letting

Breastmilk Letting Program (Photo by: Monroe Cueto / CIO)

249 na mga ‘breastfeeding mothers’ ang nakiisa at nakalikom ng kabuuang 17.6 litro ng gatas sa isinagawang Breastmilk Letting ng University of the Philippines - Philippine General Hospital (UP-PGH) sa Lungsod ng Santa Rosa noong Agosto 26, 2025.

Sa pakikipagtulungan sa City Nutrition Office, ang mga nakolektang gatas ay agad na idinonate sa PGH Human Milk Bank, na magsisilbing mahalagang tulong para sa mga sanggol na nangangailangan ng breastmilk, partikular na iyong mga isinilang na kulang sa buwan o may karamdaman.
249 na Ina, Lumahok sa Breastmilk Letting
249 na Ina, Lumahok sa Breastmilk Letting
Ayon sa mga tagapangasiwa ng programa, ang breastmilk letting ay hindi lamang nakakatulong upang masustentuhan ang mga sanggol na kulang sa sariling ina na nagpapasuso, kundi nagiging paraan din upang maipaalam sa publiko ang kahalagahan ng gatas ng ina bilang “unang bakuna” laban sa iba’t ibang sakit.

Bilang bahagi ng programa, isinagawa rin ang isang breastfeeding forum kung saan tinalakay ang importansya ng eksklusibong pagpapasuso, gayundin ang dental health. Ipinaliwanag ng mga eksperto na ang tamang breastfeeding ay nakakatulong hindi lamang sa nutrisyon at kaligtasan ng sanggol kundi maging sa tamang pag-unlad ng kanilang oral health.
249 na Ina, Lumahok sa Breastmilk Letting
249 na Ina, Lumahok sa Breastmilk Letting
Sa huli, nagpahayag naman ng pasasalamat ang UP-PGH Lactation Unit at Human Milk Bank Center sa lahat ng inang nakiisa, at hinikayat pa ang publiko na magpatuloy sa pagsuporta sa ganitong uri ng programa para sa ikabubuti ng mas maraming sanggol sa bansa.
Share article:

Related Articles