UTC/GMT+8 - April 4, 2026 | 11:03 AM
Stay Up-to-date

Mahigit 1,400 daycare children dumalo sa Yan Kiddie Show

By: Trixie Mae B. Umali
September 12, 2025 | 12:02 PM (GMT+8)
Mahigit 1,400 daycare children dumalo sa Yan Kiddie Show
Mahigit 1,400 daycare children dumalo sa Yan Kiddie Show

Yan Kiddie Show (Photo by: Monroe Cueto / CIO)

Nagtipon-tipon ang mahigit 1,400 na daycare children mula sa iba’t ibang Early Childhood Care and Development (ECCD) Centers sa Lungsod ng Santa Rosa para sa masayang Yan Kiddie Show na ginanap sa Santa Rosa Multi-Purpose Complex noong Setyembre 11, 2025.

Layunin ng programa na magbigay-aliw at karagdagang kaalaman sa mga bata sa pamamagitan ng mga awitin, sayaw, laro, at mga interaktibong pagtatanghal. Kasabay nito, binigyang-diin din ng aktibidad ang kahalagahan ng maagang edukasyon at wastong paggabay sa murang edad.
Mahigit 1,400 daycare children dumalo sa Yan Kiddie Show
Mahigit 1,400 daycare children dumalo sa Yan Kiddie Show
Lubos na ikinatuwa ng mga bata, guro, at magulang ang makulay na palabas na nagbigay saya at inspirasyon sa lahat ng dumalo. Ang ganitong mga aktibidad ay mahalagang bahagi ng pagtutulungan ng pamahalaan at komunidad upang matiyak ang maayos at masiglang paglaki ng mga bata.

Patuloy namang nagpahayag ng suporta ang Pamahalaang Lungsod sa mga programa para sa mga bata, bilang bahagi ng adbokasiya nitong palakasin ang sektor ng edukasyon at isulong ang kapakanan ng kabataan sa Santa Rosa.
Share article:

Related Articles