Sa huli, itinanghal na Grand Champion ang
Dominican College of Santa Rosa, habang
Holy Rosary College of Santa Rosa naman ang nagkamit ng 1st Runner-Up. Ang
Queen Anne School of Santa Rosa ang nagwagi ng 2nd Runner-Up;
Jesus the Exalted Name School ang 3rd Runner-Up;
Blessed Christian School de Sta. Rosa ang 4th Runner-Up; at
Citi Global College Santa Rosa Campus ang 5th Runner Up.
Hindi rin nagpahuli ang mga makukulay at detalyadong kasuotan na lalong nagbigay-buhay sa parada at mga pagtatanghal. Dahil dito, ginawaran ang Holy Rosary College of Santa Rosa bilang Best in Costume, habang kinilala ang Dominican College of Santa Rosa bilang Best in Street Dance at itinanghal din ang kanilang kinatawan bilang Reyna ng Sikhayan, patunay ng kanilang pambihirang galing at kabuuang pagtatanghal.
Ang ika-27 Sikhayan Festival ay hindi lamang pagdiriwang ng sining at kultura, kundi isang matibay na paalala ng talento, pagkakaisa, at pagmamalasakit ng bawat Rosense. Sa pagdiriwang ngayong taon, patuloy na pinagtitibay ng lungsod ang isang komunidad na masigla, nagkakaisa, at may buhay na kultura,para sa susunod pang mga henerasyon.
Karagdagang Impormasyon:
PTV - #SentroBalitaWeekend | Paggunita sa 27th Sikhayan Festival sa Sta. Rosa Laguna, naging makulay at masigla | ulat ni Louisa Erispe:
https://www.facebook.com/reel/1376634593582391
ABS-CBN News - Isang street dance ang isinagawa sa Santa Rosa City sa Laguna bilang pagdiriwang ng ika-27 taon ng Sikhayan Festival.
https://www.facebook.com/reel/1147382460606966
Santa Rosa City Government - TINGNAN | SIKHAYAN FESTIVAL 2026 PARADE
https://www.facebook.com/santarosacitygovernment/posts/pfbid02YJtASJxrJetztxFPJ1WGn7DwWDvNjo7ToimoPrpRBtZo2AjYXLpeAALn5pMyLrhwl
Kitkat.Adventour - ATM: SIKHAYAN PARADE
https://www.facebook.com/santarosacitygovernment/posts/pfbid029QT6ZpjBmzA3X1oC19i1cJyZ9FVa9gjm8vx9arYkcdXpVtWpvYmGqLS7yntgcifQl