UTC/GMT+8 - April 4, 2026 | 12:19 PM
Stay Up-to-date

Libreng kasal para sa mga persons deprived of liberty sa lungsod ng Santa Rosa

By: Trixie Mae B. Umali
January 25, 2024 | 5:01 PM (GMT+8)
Libreng kasal para sa mga persons deprived of liberty sa lungsod ng Santa Rosa
Noong Enero 24, 2024, ginanap sa City Auditorium ng Lungsod ng Santa Rosa ang masayang okasyon para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ng Santa Rosa City Jail - Male & Female Dormitory. Sa pakikipagtulungan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) – Santa Rosa, at sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa, matagumpay na naisakatuparan ang Libreng Kasal para sa 11 magkapareha o ‘couples’ mula sa bilangguan. Ang seremonya ng kasal pinangunahan ni Mayor Arlene B. Arcillas.

Sa mga ikinasal, apat na pares ang kapwa PDL ng City Jail, at kabilang dito ang isang pares na 15 taon nang nagsasama. Inihayag ng magkasintahang ito na bagama't mahirap ang pananatili ng kanilang relasyon sa loob ng bilangguan, labis ang kanilang kasiyahan ngayon dahil natupad na ang kanilang pangarap na makapagpakasal.
Libreng kasal para sa mga persons deprived of liberty sa lungsod ng Santa Rosa
Sa panayam, ipinahayag ng mga bagong kasal ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa programa at sa suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa. Binigyang-diin din nila kung paano nakatulong ang programang ito sa pagpapanatili ng kanilang relasyon at pag-asa habang nasa loob ng kulungan.

Sa kanyang pahayag, nagbigay ng suporta si Mayor Arlene B. Arcillas sa mga bagong kasal at binigyang-diin na bagama't pansamantalang nawalan ng kalayaan ang mga PDL, hindi ito hadlang upang maranasan nila ang pagmamahal at pagkakataong makapagpakasal. Aniya, ang programang ito ay simbolo ng pagpapahalaga ng lungsod sa karapatan at kagalingan ng bawat isa, kabilang na ang mga nasa loob ng bilangguan.
Libreng kasal para sa mga persons deprived of liberty sa lungsod ng Santa Rosa
Libreng kasal para sa mga persons deprived of liberty sa lungsod ng Santa Rosa
Ang inisyatibong ito ng Lungsod ng Santa Rosa ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagbibigay ng dignidad at pag-asa sa mga PDL. Ito rin ay nagpapakita ng pagkilala sa kanilang karapatan bilang tao, na magkaroon ng pamilya at mabuhay ng may pagmamahal at pagtanggap sa kabila ng kanilang kasalukuyang sitwasyon.
Share article:

Related Articles