UTC/GMT+8 - April 4, 2026 | 11:08 AM
Stay Up-to-date

Bloodletting, eyeglasses, at health insurance, Tampok sa 26th Anniversary ng PhilHealth ng Masa

By: Trixie Mae B. Umali
March 3, 2026 | 2:40 PM (GMT+8)
Bloodletting, eyeglasses, at health insurance, Tampok sa 26th Anniversary ng PhilHealth ng Masa

26th Anniversary ng PhilHealth ng Masa (Photo by: Monroe Cueto / CIO)

Sa halip na simpleng seremonya, isinagawa ang ika-26 na anibersaryo ng PhilHealth ng Masa bilang isang serbisyong direktang naramdaman ng mamamayan sa pamamagitan ng libreng serbisyong medikal at pagpapalawak ng proteksiyong pangkalusugan noong Pebrero 27, 2026 sa City of Santa Rosa Multi-Purpose Complex.

Sa selebrasyon, pinagsama-sama ang mga programang nakatuon sa pagsusulong ng universal health care. Kabilang dito ang bloodletting activity, pamamahagi ng libreng reading eyeglasses, at registration sa PhilHealth YAKAP.
Bloodletting, eyeglasses, at health insurance, Tampok sa 26th Anniversary ng PhilHealth ng Masa
Bloodletting, eyeglasses, at health insurance, Tampok sa 26th Anniversary ng PhilHealth ng Masa
Sa isinagawang bloodletting activity na katuwang ang Philippine Red Cross - Santa Rosa, Laguna Chapter, umabot sa 132 indibidwal ang naki-isa at nagpakita ng kahandaang magbigay ng dugo. Malaking tulong ito upang mapanatili ang suplay ng dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan, lalo na sa panahon ng mga emergency at operasyon.

Samantala, upang masuportahan ang mas malinaw na paningin at mas produktibong araw para sa mga benepisyaryo, may 500 reading eyeglasses na naipamahagi sa tulong ng Lions Club International - Valenzuela Host Lions Club District 301-D1. Nadagdagan pa ito ng 100 eyeglasses sa pamamagitan ng donasyon ni Konsehal Niño Villanueva.
Bloodletting, eyeglasses, at health insurance, Tampok sa 26th Anniversary ng PhilHealth ng Masa
Binigyang-diin din ang pag-aalaga sa kalusugan ng kabataan sa pamamagitan ng pagbubukas ng registration sa PhilHealth YAKAP para sa mga mag-aaral ng PUP Santa Rosa, kung saan 95 estudyante ang matagumpay na nakapag-enroll. Layunin ng programang ito na palawakin ang saklaw ng serbisyong pangkalusugan para sa mas maraming kabataan at matiyak ang mas maagang proteksiyon sa oras ng pangangailangan.
Bloodletting, eyeglasses, at health insurance, Tampok sa 26th Anniversary ng PhilHealth ng Masa
Bloodletting, eyeglasses, at health insurance, Tampok sa 26th Anniversary ng PhilHealth ng Masa
Bloodletting, eyeglasses, at health insurance, Tampok sa 26th Anniversary ng PhilHealth ng Masa
Bloodletting, eyeglasses, at health insurance, Tampok sa 26th Anniversary ng PhilHealth ng Masa
Nakiisa sa pagdiriwang sina Mayor Arlene B. Arcillas at Vice Mayor Arnold B. Arcillas bilang pagpapakita ng suporta sa patuloy na pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan ng lungsod, kasama rin si Konsehal Luisito Algabre, Chairperson ng Committee on Health and Sanitation.

Ang PhilHealth ng Masa ay isa sa mahahalagang programang pangkalusugan ng lungsod na nagtitiyak na ang bawat Rosense ay may access sa de-kalidad at abot-kayang serbisyong medikal, upang mas maging panatag ang bawat pamilya laban sa bigat ng gastusing pangkalusugan.
Share article:

Related Articles