UTC/GMT+8 - April 4, 2026 | 11:02 AM
Stay Up-to-date

Mayor’s PhilHealth YAKAP Caravan, Patuloy na Umiikot para sa mga Senior Citizen

By: Trixie Mae B. Umali
February 6, 2026 | 2:06 AM (GMT+8)
Mayor’s PhilHealth YAKAP Caravan, Patuloy na Umiikot para sa mga Senior Citizen

Yakap for Brgy. Don Jose (Photo by: Monroe Cueto / CIO)

Hindi dapat maging komplikado ang pagkuha ng serbisyong pangkalusugan, lalo na para sa ating mga nakatatanda. Kaya imbes na sila ang pumila at maghanap ng opisina, ang serbisyo mismo ang lumalapit sa barangay.

Patuloy na umiikot sa iba’t ibang barangay ang Mayor’s PhilHealth YAKAP Caravan ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa upang tulungan ang mga senior citizen na makapagparehistro sa PhilHealth at magkaroon ng mas maayos na access sa mga serbisyong pangkalusugan.

Noong Pebrero 5, 2026, pinangunahan ng PhilHealth ng Masa Office ang isinagawang rehistrasyon sa Barangay Don Jose, kung saan 225 senior citizen ang matagumpay na nagparehistro upang maging opisyal na benepisyaryo ng programa.

Ang PhilHealth YAKAP o Yaman ng Kalusugan Program ay pambansang inisyatiba na naglalayong matiyak na may proteksiyon sa kalusugan at agarang access sa pangunahing serbisyong medikal ang bawat Pilipino. Bukas ito para sa lahat ng miyembro ng PhilHealth at ang pangunahing kailangan ay magparehistro sa kanilang piniling ospital o clinic upang maging benepisyaryo.
Mayor’s PhilHealth YAKAP Caravan, Patuloy na Umiikot para sa mga Senior Citizen
Mayor’s PhilHealth YAKAP Caravan, Patuloy na Umiikot para sa mga Senior Citizen
Para mas malinaw, narito ang ilan sa mga serbisyong maaaring mapakinabangan sa ilalim ng programa:
• Libreng primary care check-up at assessment mula sa piling YAKAP clinics
• Piling laboratory tests
• Libreng gamot
• Cancer screening tests

Nagsimula ang Mayor’s PhilHealth YAKAP Caravan noong Enero ngayong taon at inaasahang magpapatuloy hanggang Abril, upang masigurong mabibigyan ng pagkakataon ang mga senior citizen sa lungsod na makapagparehistro at makinabang sa mga serbisyong hatid ng PhilHealth
.
Sa pamamagitan ng caravan na ito, patuloy na pinatitibay ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa ang pangakong ilapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat komunidad, at tiyaking ang ating mga nakatatanda ay may akses sa suportang nararapat para sa mas ligtas at mas maayos na pamumuhay.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa PhilHealth YAKAP magtungo lamang sa PhilHealth YAKAP Facebook page
https://www.facebook.com/PhilHealthYAKAP.

Para sa lokal na impormasyon tungkol sa PhilHealth YAKAP tingnan ang post ng Santa Rosa City Government
https://www.facebook.com/santarosacitygovernment/posts/pfbid02zfj1KsDArvkRyomZf7LmZD6FM5tsj3sputs7hMtrEzPzRasACigQctidy5z6gmE8l


Share article:

Related Articles