UTC/GMT+8 - April 4, 2026 | 11:07 AM
Stay Up-to-date

Pangangalaga sa Puso, Tampok sa Pagdiriwang ng Heart Month sa Santa Rosa

By: Trixie Mae B. Umali
February 19, 2026 | 12:49 PM (GMT+8)
Pangangalaga sa Puso, Tampok sa Pagdiriwang ng Heart Month sa Santa Rosa
Pangangalaga sa Puso, Tampok sa Pagdiriwang ng Heart Month sa Santa Rosa
Tahimik pero delikado ang Atherosclerosis, ang unti-unting pagbabara ng mga ugat na maaaring magdulot ng atake sa puso, stroke, at iba pang seryosong komplikasyon kapag hindi naagapan.

Bilang tugon, ilalapit ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa ang mahahalagang kaalaman at serbisyong pangkalusugan sa gaganaping Philippine Heart Month Celebration.

Sa pangunguna ng City Health Office 1, at sa pakikipagtulungan ng Asian Hospital and Medical Center sa pamamagitan ng Asian Cardiovascular Institute, gaganapin ang selebrasyon sa Pebrero 26, 2026 sa Santa Rosa City Multi-Purpose Complex.

Sa temang “Bringing Heart Care Closer to Every Filipino,” layunin ng aktibidad na palawakin ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng pangangalaga sa puso at sa maagang pag-iwas at pagtukoy sa mga panganib na dulot ng Atherosclerosis.

Bukas ito para sa lahat ng mamamayan ng Santa Rosa at inaasahang magsisilbing mahalagang plataporma upang mas maunawaan ng publiko ang kalusugan ng puso, kahalagahan ng screening at early detection, at ang papel ng tamang lifestyle sa pag-iwas sa sakit.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mga eksperto sa cardiovascular care, patuloy na pinatitibay ng lungsod ang adbokasiya nitong ilapit ang serbisyong pangkalusugan at bigyang-kapangyarihan ang bawat mamamayan na pangalagaan ang kanilang puso.

Sa huli, paalala ng selebrasyong ito: ang malusog na puso ay nagsisimula sa tamang kaalaman, maagang pagkilos, at sama-samang pag-aalaga sa kalusugan ng bawat isa.
Share article:

Related Articles