UTC/GMT+8 - April 4, 2026 | 12:20 PM
Stay Up-to-date

PAGDIRIWANG NG PHILIPPINE HEART MONTH SA LUNGSOD NG SANTA ROSA

By: Trixie Mae B. Umali
March 5, 2025 | 9:58 AM (GMT+8)
PAGDIRIWANG NG PHILIPPINE HEART MONTH SA LUNGSOD NG SANTA ROSA

Philippine Heart Month (Photo by: Monroe Cueto / CIO)

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Philippine Heart Month, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa, sa pamamagitan ng City Health Office I, ang isang masigla at makabuluhang Zumba activity noong Pebrero 28, 2025.

Sa temang "Santa Rosa, Mahalin ang Pusong Nagmamahal: Mag-Healthy Lifestyle Na!", layunin ng programang ito na mahikayat ang mga mamamayan na isabuhay ang isang aktibo at malusog na pamumuhay upang mapanatili ang isang malakas at malusog na puso.
PAGDIRIWANG NG PHILIPPINE HEART MONTH SA LUNGSOD NG SANTA ROSA
PAGDIRIWANG NG PHILIPPINE HEART MONTH SA LUNGSOD NG SANTA ROSA
Dinaluhan ito ng iba't ibang sektor ng komunidad, kabilang ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan, residente, at iba pang organisasyon. Ang Zumba, bilang isang masayang paraan ng ehersisyo, ay napatunayang epektibo sa pagpapabuti ng kalusugan ng puso, pagbabawas ng panganib ng cardiovascular diseases, at pagpapalakas ng pangangatawan.

Ayon sa City Health Office I, ang ganitong klase ng aktibidad ay hindi lamang pagsasayaw at pagpapapawis, kundi isang mahalagang pagsulong ng kaalaman sa kahalagahan ng regular na pisikal na aktibidad at balanseng diyeta sa pagpapanatili ng maayos na kalusugan.
Isa ito sa maraming programang pangkalusugan ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa, na naglalayong itaguyod ang tamang pangangalaga sa puso at palakasin ang adbokasiya para sa isang mas malusog na komunidad.
PAGDIRIWANG NG PHILIPPINE HEART MONTH SA LUNGSOD NG SANTA ROSA
Ang Philippine Heart Month ay ginugunita tuwing Pebrero upang bigyang-diin ang importansya ng pangangalaga sa puso at ang pag-iwas sa mga sakit na may kaugnayan dito. Sa pamamagitan ng mga ganitong aktibidad, umaasa ang pamahalaang lungsod na mas maraming mamamayan ang mahihikayat na gawing bahagi ng kanilang pang-araw-araw na buhay ang isang mas malusog at aktibong pamumuhay.
Share article:

Related Articles