UTC/GMT+8 - April 4, 2026 | 11:02 AM
Stay Up-to-date

Dalawang Public Consultation sa panukalang Schedule of Market Values, isinagawa sa Santa Rosa

By: Trixie Mae B. Umali
March 30, 2026 | 12:58 PM (GMT+8)
Dalawang Public Consultation sa panukalang Schedule of Market Values, isinagawa sa Santa Rosa
Matagumpay na isinagawa ng Office of the City Assessor ang dalawang Public Consultation kaugnay ng panukalang Schedule of Market Values (SMV) noong Marso 19 at Marso 23, 2026 sa City Hall Building A Lobby.

Isinagawa ang mga konsultasyon bilang bahagi ng pagpapatupad ng Republic Act No. 12001 o Real Property Valuation and Assessment Reform Act (RPVARA). Sa nasabing mga pagtitipon, ipinresenta sa mga taxpayer at iba’t ibang stakeholder ang panukalang market values upang maibahagi ang mahahalagang impormasyon at makakalap ng kanilang mga puna, mungkahi, at rekomendasyon bago ito isumite para sa pagsusuri at pag-apruba ng Bureau of Local Government Finance (BLGF).
Dalawang Public Consultation sa panukalang Schedule of Market Values, isinagawa sa Santa Rosa
Dalawang Public Consultation sa panukalang Schedule of Market Values, isinagawa sa Santa Rosa
Layunin ng aktibidad na higit pang palakasin ang transparency at aktibong pakikilahok ng publiko sa mahahalagang proseso ng pamahalaang lungsod kaugnay ng real property valuation. Ipinaliwanag din sa mga dumalo ang nilalaman ng panukalang Schedule of Market Values upang malinawan ang mga mamamayan sa layunin nito at sa posibleng epekto sa pagpapahalaga ng mga ari-arian.
Share article:

Related Articles