UTC/GMT+8 - April 4, 2026 | 11:04 AM
Stay Up-to-date

Mas malinaw na korespondensya, mas mahusay na serbisyo | Pagsasanay sa Wikang Filipino, isinagawa para sa mga kawani ng Lungsod

By: Trixie Mae B. Umali
February 26, 2026 | 4:13 PM (GMT+8)
Mas malinaw na korespondensya, mas mahusay na serbisyo | Pagsasanay sa Wikang Filipino, isinagawa para sa mga kawani ng Lungsod

Korespondensya sa Wikang Filipino (Photo by: Erick Vargas / CIO)

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatibay sa propesyonalismo at kahusayan sa serbisyong publiko, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa ng Seminar sa Korespondensya sa Wikang Filipino noong Pebrero 24, 2026. Pinangunahan ito ng Kagawaran ng Pagpaplano at Pagpapaunlad, Tanggapan ng Pamamahalang Yaman-Pantauhan, at Lupon sa Wikang Filipino ng Santa Rosa.

Dinaluhan ang pagsasanay ng mga kawani ng pamahalaang lungsod, lalo na ng mga administrative officer mula sa iba’t ibang departamento na pangunahing gumagawa at naghahanda ng mga opisyal na liham, memorandum, ulat, paanyaya, at iba pang dokumentong ginagamit sa araw-araw na trabaho sa pamahalaan. Layunin ng aktibidad na higit pang itaas ang pamantayan ng pagsulat at paglalabas ng mga opisyal na komunikasyon upang maging mas malinaw, wasto, at madaling maunawaan para sa kapwa kawani at mamamayan.

Nagpaabot ng mensahe si Mayor Arlene B. Arcillas bilang pagpapakita ng suporta sa pagsasanay. Sa kanyang mensahe, nagpasalamat ang alkalde sa mga tanggapang nanguna sa programa at binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na paglinang ng kakayahan ng mga kawani sa wastong paggamit ng Wikang Filipino sa opisyal na korespondensya.
Mas malinaw na korespondensya, mas mahusay na serbisyo | Pagsasanay sa Wikang Filipino, isinagawa para sa mga kawani ng Lungsod
Mas malinaw na korespondensya, mas mahusay na serbisyo | Pagsasanay sa Wikang Filipino, isinagawa para sa mga kawani ng Lungsod
Sa isinagawang seminar, tinalakay ang wastong gamit ng balarila (grammar), pagpili ng angkop na salita at tono, tamang pormat ng mga dokumento, at ang kahalagahan ng malinaw at organisadong pagpapahayag sa mga sulating opisyal. Binigyang-diin din ang papel ng Wikang Filipino bilang mabisang daluyan ng komunikasyon na nagpapalapit sa pamahalaan at sa publik, lalo na sa mga dokumentong kailangang mabilis na maunawaan at agarang mapagpasiyahan.

Ayon sa mga tagapag-organisa, mahalagang matiyak na ang bawat dokumentong inilalabas ng pamahalaan ay may malinaw na mensahe at tamang pagkakabuo upang maiwasan ang kalituhan, mapabilis ang pagproseso, at mapanatili ang tiwala ng mamamayan sa serbisyo ng pamahalaan.
Mas malinaw na korespondensya, mas mahusay na serbisyo | Pagsasanay sa Wikang Filipino, isinagawa para sa mga kawani ng Lungsod
Mas malinaw na korespondensya, mas mahusay na serbisyo | Pagsasanay sa Wikang Filipino, isinagawa para sa mga kawani ng Lungsod
Patunay ang pagsasanay na ito sa patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa na paunlarin hindi lamang ang kasanayan ng mga kawani, kundi maging ang kabuuang sistema ng paghahatid ng serbisyo, isang hakbang tungo sa mas episyente, maayos, at makataong pamamahala.
Share article:

Related Articles