UTC/GMT+8 - April 4, 2026 | 11:08 AM
Stay Up-to-date

Isang “Oo” sa Araw ng mga Puso | 206 couples, sabay-sabay na nag-isang dibdib sa Kasalang Bayan 2026

By: Trixie Mae B. Umali
February 16, 2026 | 3:02 PM (GMT+8)
Isang “Oo” sa Araw ng mga Puso | 206 couples, sabay-sabay na nag-isang dibdib sa Kasalang Bayan 2026

Kasalang Bayan (Photo by: An Shu Jin Ramos / CIO - OJT)

Punong-puno ng ngiti, luha ng tuwa, at pangakong panghabambuhay ang City Auditorium noong Pebrero 14, 2026, matapos ikasal ang 206 couples sa Kasalang Bayan 2026. Sa Araw ng mga Puso, hindi lang pag-ibig ang ipinagdiwang sa Santa Rosa, kundi ang pamilya bilang pundasyon ng mas matatag at mas mapagmalasakit na komunidad.
Isang “Oo” sa Araw ng mga Puso | 206 couples, sabay-sabay na nag-isang dibdib sa Kasalang Bayan 2026
Isang “Oo” sa Araw ng mga Puso | 206 couples, sabay-sabay na nag-isang dibdib sa Kasalang Bayan 2026
Pinangunahan ni City Mayor Arlene B. Arcillas ang makabuluhang seremonya bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Pamahalaang Lungsod sa pagpapatatag ng Pamilyang Santa Rosa at sa pagbibigay ng pantay na pagkakataon sa bawat mamamayan na magkaroon ng legal at makabuluhang pagsasama.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Mayor Arlene ang mga bagong mag-asawa na gawing matibay na pundasyon ng kanilang paglalakbay ang pagmamahalan, pananampalataya, at respeto sa isa’t isa.

“Nawa’y maging pundasyon ng inyong pagsasama ang pagmamahal, pananampalataya, at malasakit sa isa’t isa. Alagaan ninyo ang inyong relasyon, magpatawad agad, magpasalamat palagi, at huwag kalimutang magdasal nang magkasama.”

Dumalo rin sa seremonya si Vice Mayor Arnold B. Arcillas, ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, at si Cong. Roy Gonzales upang magpakita ng suporta sa espesyal na okasyon.
Isang “Oo” sa Araw ng mga Puso | 206 couples, sabay-sabay na nag-isang dibdib sa Kasalang Bayan 2026
Isang “Oo” sa Araw ng mga Puso | 206 couples, sabay-sabay na nag-isang dibdib sa Kasalang Bayan 2026
Sa gitna ng masayang programa, sabay-sabay na binigkas ng mga mag-asawa ang kanilang mga panata, na sinaksihan ng kanilang mga pamilya, kaibigan, at mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Ayon sa Office of the City Civil Registrar, na nangasiwa sa taunang programa, ang Kasalang Bayan ay hindi lamang simpleng seremonya kundi isang simbolo ng pagkakaisa, pananagutan, at bagong simula para sa bawat mag-asawa. Layunin din nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga couples, lalo na ang matatagal nang nagsasama, na maging ganap na legal ang kanilang relasyon.

Nagbahagi naman ng payo si Vice Mayor Arnold kung paano mas mapapatatag ang pagsasama bilang mag-asawa.

Aniya, “Ang matagumpay na pagsasama ay nasusukat hindi lamang sa pagkakasundo kundi sa paraan ng pagharap sa hindi pagkakaunawaan nang may respeto, bukas na komunikasyon, at pag-unawa. Mahalaga ang pagtanggap sa pagkakaiba ng isa’t isa at ang patuloy na pagpapatibay ng inyong samahan.”

Sa kabuuan, muling pinatunayan ng Kasalang Bayan 2026 na sa Santa Rosa, inuuna ang pamilya at sama-samang binubuo ang mas matibay, mas responsable, at mas mapagmahal na lungsod.
Share article:

Related Articles