UTC/GMT+8 - June 15, 2026 | 9:47 PM
Stay Up-to-date

Solo Parents sa Santa Rosa, nakatanggap ng bigas sa ilalim ng Rice Distribution Project

51

By: Trixie Mae B. Umali
June 15, 2026 | 2:32 PM (GMT+8)
Solo Parents sa Santa Rosa, nakatanggap ng bigas sa ilalim ng Rice Distribution Project
Solo Parents sa Santa Rosa, nakatanggap ng bigas sa ilalim ng Rice Distribution Project
Karagdagang suporta para sa mga pamilyang Santa Rosa ang naihatid sa 1,751 solo parent beneficiaries mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod matapos silang makatanggap ng tig-10 kilong bigas sa ilalim ng Rice Distribution Project.

Ang nasabing programa ay ipinatutupad ng National Government sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa.
Solo Parents sa Santa Rosa, nakatanggap ng bigas sa ilalim ng Rice Distribution Project
Solo Parents sa Santa Rosa, nakatanggap ng bigas sa ilalim ng Rice Distribution Project
Pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang pamamahagi noong Hunyo 10, 2026 upang matiyak na maayos, mabilis, at organisadong makarating ang tulong sa mga benepisyaryo.

Layunin ng programa na magbigay ng dagdag na ayuda sa mga pamilyang nangangailangan, lalo na sa mga solo parent na patuloy na nagsusumikap upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang mga anak at pamilya.

Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang mga benepisyaryo sa natanggap na tulong. Ayon sa kanila, malaking ginhawa ang bigas sa gitna ng patuloy na pagharap ng maraming pamilya sa gastusin sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan.

Patunay ang ganitong mga programa sa patuloy na pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa sa iba’t ibang antas at ahensya ng pamahalaan upang maihatid ang mga serbisyong may direktang pakinabang sa mamamayan at mapalakas pa ang suporta para sa kapakanan ng bawat pamilyang Santa Rosa.
Share article:

Related Articles