UTC/GMT+8 - July 28, 2026 | 1:08 AM
Stay Up-to-date

869 SOLO PARENTS, NAKATANGGAP NG DAGDAG SUPORTA MULA SA PAMAHALAANG LUNGSOD

139

By: Trixie Mae B. Umali
July 23, 2026 | 10:05 AM (GMT+8)
869 SOLO PARENTS, NAKATANGGAP NG DAGDAG SUPORTA MULA SA PAMAHALAANG LUNGSOD
869 SOLO PARENTS, NAKATANGGAP NG DAGDAG SUPORTA MULA SA PAMAHALAANG LUNGSOD
Umabot sa 869 solo parents sa Santa Rosa ang nabigyan ng karagdagang tulong pinansyal at bigas bilang bahagi ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Lungsod sa mga magulang na mag-isang itinataguyod ang kanilang pamilya.

Pinangunahan ni Mayor Arlene B. Arcillas ang pamamahagi ng cash subsidy noong Hulyo 20, 2026 bilang bahagi ng patuloy na programa ng Pamahalaang Lungsod, sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), para sa kapakanan ng mga kwalipikadong solo parent.

Ayon sa CSWDO, layunin ng programa na mabigyan sila ng karagdagang suporta ang mga solo parent upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na gastusin at sa pagpapalaking kanilang mga anak at pamilya.
869 SOLO PARENTS, NAKATANGGAP NG DAGDAG SUPORTA MULA SA PAMAHALAANG LUNGSOD
869 SOLO PARENTS, NAKATANGGAP NG DAGDAG SUPORTA MULA SA PAMAHALAANG LUNGSOD
Bukod sa cash subsidy, tumanggap din ang bawat benepisyaryo ng tig-10 kilong bigas bilang dagdag na ayuda upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, patuloy na pinalalakas ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa ang suporta sa mga sektor na higit na nangangailangan ng tulong upang matiyak na mas maraming pamilyang Rosense ang may pagkakataong magkaroon ng mas maayos na pamumuhay.
Share article:

Related Articles