UTC/GMT+8 - July 28, 2026 | 1:14 AM
Stay Up-to-date

126 MAGKAPAREHA, PINAG-ISA SA KASALANG BAYAN NG SANTA ROSA

59

By: Trixie Mae B. Umali
July 23, 2026 | 10:09 AM (GMT+8)
126 MAGKAPAREHA, PINAG-ISA SA KASALANG BAYAN NG SANTA ROSA
Isang panibagong yugto ng buhay ang sinimulan ng 126 na magkapareha matapos silang opisyal na pag-isahin sa Kasalang Bayan Part 2 ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa noong Hulyo 21, 2026 sa City Auditorium.

Sa pamamagitan ng programang ito ng lungsod, sa pangunguna ng Office of the City Civil Registrar, nabibigyan ng pagkakataon ang mga magkapareha na gawing legal ang kanilang pagsasama at mapakinabangan ang mga karapatan at benepisyong kaakibat ng kasal.
126 MAGKAPAREHA, PINAG-ISA SA KASALANG BAYAN NG SANTA ROSA
126 MAGKAPAREHA, PINAG-ISA SA KASALANG BAYAN NG SANTA ROSA
Bilang wedding officiant, pinangunahan ni Mayor Arlene B. Arcillas ang seremonya at binigyang-diin ang kahalagahan ng kasal bilang pundasyon ng matatag na pamilya at isang responsableng lipunan.

“Naniniwala tayo na ang bawat magkasintahan na handa nang bumuo ng pamilya ay nararapat magkaroon ng pagkakataong maikasal, anuman ang kanilang estado sa buhay. Ito ang diwa ng ating Serbisyong Makatao—ang tiyaking ang bawat pamilyang Rosense ay nabibigyan ng pagkakataong magsimula nang may dignidad, pag-asa, at pagmamahal,” bahagi niya.

Naging mas makahulugan ang seremonya nang sabay-sabay na nagpalitan ng panata ang mga bagong kasal sa harap ng kanilang mga pamilya, kaibigan, at mga opisyal ng lungsod.

Naging mas makahulugan ang seremonya nang sabay-sabay na nagpalitan ng panata ang 126 na magkapareha sa harap ng kanilang mga pamilya, kaibigan, at mga opisyal ng lungsod, hudyat ng panibagong yugto ng kanilang pagsasama.

Sa pamamagitan ng Kasalang Bayan, patuloy na pinalalawak ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa, sa pamumuno nina Mayor Arlene at Vice Mayor Arnold Arcillas, ang access ng mga Rosense sa mahahalagang serbisyong pampubliko, habang tinutulungan ang mas maraming pamilya na makapagsimula ng kanilang buhay may-asawa na may legal na pagkilala at proteksiyon sa ilalim ng batas.
Share article:

Related Articles