UTC/GMT+8 - July 28, 2026 | 1:14 AM
Stay Up-to-date

125 ENVIRONMENTAL PARTNERS, PINARANGALAN SA GREEN AWARDS 2026

54

By: Trixie Mae B. Umali
July 23, 2026 | 9:43 AM (GMT+8)
125 ENVIRONMENTAL PARTNERS, PINARANGALAN SA GREEN AWARDS 2026
125 ENVIRONMENTAL PARTNERS, PINARANGALAN SA GREEN AWARDS 2026
Hindi lamang mga parangal ang ipinagkaloob sa GREEN Awards 2026, kundi pagkilala rin sa 125 indibidwal, organisasyon, institusyon, at ahensya na naging katuwang ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa sa pagsusulong ng isang mas malinis, mas luntian, at mas sustinableng Santa Rosa.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Santa Rosa Environment Day, ginanap ang programa noong Hulyo 17, 2026 sa Santa Rosa Multi-Purpose Complex. Pinangunahan ni Mayor Arlene B. Arcillas, kasama si Vice Mayor Arnold B. Arcillas at mga opisyal ng lungsod, ang gabi ng pagkilala bilang pasasalamat sa mga sektor na patuloy na nakikiisa sa pagpapatupad ng mga programang pangkalikasan ng lungsod.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Arlene na ang mga tagumpay ng lungsod sa environmental protection, climate action, at sustainable development ay bunga ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan at ng iba't ibang katuwang mula sa publiko at pribadong sektor.

“The progress we have achieved in environmental protection, climate action, and sustainable development would not have been possible without your support, commitment, and shared sense of responsibility… Your efforts serve as an inspiration to others and prove that meaningful change begins when people choose to act,” aniya.

May kabuuang 125 awardees mula sa pribadong sektor, mga non-government organization (NGO), mga institusyon, at iba pang ahensya ng pamahalaan ang ginawaran sa ilalim ng apat na pangunahing kategorya:

• Sustainable Development Partner
• Earth Hour
• Circular Economy
• Renewable Energy and Energy Efficiency

Bukod sa mga pangunahing parangal, iginawad din ang mga Special Citation sa mga indibidwal na nagpakita ng natatanging pamumuno at suporta sa mga adbokasiyang pangkalikasan ng lungsod.
125 ENVIRONMENTAL PARTNERS, PINARANGALAN SA GREEN AWARDS 2026
Tinanggap ni Mayor Arlene ang Gawad Luntiang Lingkod bilang pagkilala sa kanyang pamumuno sa pagpapatupad ng mga programang nagtataguyod ng pangangalaga sa kalikasan at sustainable development sa lungsod.

Ginawaran naman si Vice Mayor Arnold ng Gawad Sandigan ng Kalikasan bilang pagkilala sa kanyang patuloy na suporta sa mga inisyatibang pangkapaligiran ng Pamahalaang Lungsod.
Samantala, tinanggap ni Konsehal Sonia Laserna ang Gawad Katuwang ng Kalikasan bilang pagkilala sa kanyang mahalagang ambag sa pagsusulong ng mga programang naglalayong mapangalagaan ang likas na yaman at maisulong ang responsableng pangangalaga sa kapaligiran.

Ang GREEN Awards o Guarantee the Restoration of the Environment and our Ecological Niche ay isa sa mga pangunahing programa ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa pamumuno ni Ms. Amor Salandanan. Layunin nitong kilalanin ang mga indibidwal at organisasyong nagsisilbing katuwang ng lungsod sa pagpapatupad ng mga makakalikasang programa at inisyatiba.

Patunay ang GREEN Awards na ang pangangalaga sa kalikasan ay higit na nagiging matagumpay kapag pinagtutulungan ng pamahalaan, pribadong sektor, mga institusyon, at mamamayan. Sa patuloy na pagkilala sa mga natatanging katuwang nito, pinagtitibay ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa ang adhikain nitong bumuo ng isang mas luntian, mas ligtas, at mas napapanatiling lungsod para sa lahat.
Share article:

Related Articles