UTC/GMT+8 - April 4, 2026 | 9:53 AM
Stay Up-to-date

PRC Blood Bank Center, binuksan sa Lungsod ng Santa Rosa

By: Trixie Mae B. Umali
February 27, 2025 | 9:04 AM (GMT+8)
Pinasinayaan noong ika-20 ng Pebrero 2025 ang bagong blood facility ng Philippine Red Cross (PRC) Laguna Chapter sa Lungsod ng Santa Rosa.

Dumalo sa makasaysayang inagurasyon sina PRC Chairman at CEO Richard "Dick" J. Gordon, PRC Secretary General Dr. Gwendolyn Pang, Laguna Chapter Administrator Dr. Frank Gray M. Sorromero, Branch Head Thuzday Africa, City Vice Mayor Arnold B. Arcillas, at City Mayor Arlene B. Arcillas.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Mayor Arlene na sa pamamagitan ng inisyatibong ito, hindi lamang mapalalawak ang donasyon ng dugo kundi makapagdudugtong din ito ng buhay sa mga taong nagangailangan. Ipinahayag din niya na isinasabuhay nito ang diwa ng kaniyang paglilingkuran.

“This is the essence of Serbisyong Makatao — service rooted in compassion and the belief that no one should be left behind. It is about bringing life, both literally and figuratively, to the people we serve. And through these efforts, we continue to build the foundation for Lungsod na Makabago — a modern city that is resilient, progressive, and fully equipped with the resources to safeguard the health and well-being of not only the Santa Rosa Family but the Filipino people,” dagdag pa niya.

Ang bagong pasilidad na ito ay isang mahalagang hakbang sa pagpapalawak ng bood donation sa Laguna, bilang pangatlong sangay ng PRC sa lalawigan na may blood facility, kasama ng mga nasa Sta. Cruz at Calamba.

Samantala, plano rin ng PRC na i-upgrade ang blood collecting unit at blood station sa lungsod upang maging isang ganap na blood center sa mga susunod na buwan. Sa pamamagitan nito, mas matitiyak ang mabilis at mas malawak na akses ng mga mamamayan sa serbisyong pangdugo sa rehiyon.

Sa huli, ipinangako ni Mayor Arlene na ang Lungsod ng Santa Rosa, sa ilalim ng kaniyang pamumuno, ay mananatiling matatag na katuwang sa pagsusulong ng misyon ng Red Cross sa Pilipinas.
Share article:

Related Articles