UTC/GMT+8 - May 29, 2026 | 5:18 AM
Stay Up-to-date

Sa laban kontra iligal na droga, nanguna ang Santa Rosa sa buong Laguna

178

By: Trixie Mae B. Umali
May 21, 2026 | 1:09 PM (GMT+8)
Sa laban kontra iligal na droga, nanguna ang Santa Rosa sa buong Laguna

ADAC Performance for 2026 (Photo by: Department of the Interior and Local Government)

Muling pinatunayan ng Lungsod ng Santa Rosa ang tibay ng kampanya nito para sa isang ligtas, maayos, at drug-free na komunidad matapos makamit ang “High Functional” rating sa 2026 Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Audit ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Batay sa Summary of ADAC Performance for 2026 ng DILG para sa Laguna, nakapagtala ang Santa Rosa ng 95 functionality rating, ang pinakamataas na marka sa 30 lungsod at bayan ng Laguna. Kabilang din ang lungsod sa apat na local government units sa lalawigan na nakakuha ng “High Functional” rating.

Ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa tuloy-tuloy, organisado, at pinalakas na pagpapatupad ng mga programa ng Pamahalaang Lungsod laban sa iligal na droga sa ilalim ng pamumuno ni City Mayor Arlene B. Arcillas. Saklaw nito ang mga hakbang sa prevention, education, intervention, rehabilitation, enforcement support, at community-based initiatives na naglalayong pangalagaan ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng bawat pamilyang Rosense.

Malaki ang naging papel ng City Anti-Drug Abuse Office (CADAO) sa tagumpay na ito. Sa pamamagitan ng mahusay na pamumuno, masusing koordinasyon, at patuloy na pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor, napalakas ang ugnayan ng pamahalaang lungsod, mga barangay, law enforcement agencies, paaralan, civil society organizations, at komunidad sa pagsusulong ng isang ligtas at drug-free na Santa Rosa.

Ang ADAC Performance Audit ay taunang pagsusuri ng DILG upang masukat ang antas ng functionality at bisa ng mga Anti-Drug Abuse Council ng mga lokal na pamahalaan. Tinitingnan dito ang pagpapatupad ng mga programa, polisiya, plano, at mekanismo na may kaugnayan sa kampanya laban sa iligal na droga.

Patuloy namang tiniyak ni Mayor Arlene ang pagpapatupad at pagpapalakas ng mga programang nakatuon sa edukasyon, prevention, intervention, rehabilitation, at community empowerment upang mapanatili ang mataas na antas ng functionality ng lungsod sa laban kontra iligal na droga.

Sa ilalim ng adhikaing Serbisyong Makatao, Lungsod na Makabago, nananatiling committed ang Lungsod ng Santa Rosa sa pagbuo ng isang komunidad na ligtas, maayos, disiplinado, at malaya sa iligal na droga.
Share article:

Related Articles