UTC/GMT+8 - July 28, 2026 | 1:14 AM
Stay Up-to-date

Cityhood Mega Job Fair | 1,424 job seekers ang lumahok; 369 ang hired on the spot

228

By: Trixie Mae B. Umali
July 15, 2026 | 2:10 PM (GMT+8)
Cityhood Mega Job Fair | 1,424 job seekers ang lumahok; 369 ang hired on the spot
Cityhood Mega Job Fair | 1,424 job seekers ang lumahok; 369 ang hired on the spot

Cityhood Mega Job Fair (Photo by: Monroe Cueto)

Trabaho at bagong pag-asa ang iniuwi ng daan-daang aplikante mula sa matagumpay na Cityhood Mega Job Fair ng Lungsod ng Santa Rosa, kung saan 369 job seekers ang agad na natanggap sa pamamagitan ng on-the-spot hiring.

Umabot sa 1,424 job seekers ang lumahok sa job fair na isinagawa ng Public Employment Service Office (PESO) noong Hulyo 11, 2026 sa Sta. Rosa Gateway Complex. Bahagi ang aktibidad ng pagdiriwang ng ika-22 Cityhood Anniversary ng Santa Rosa.

Sa kabuuan, 89 na kumpanya mula sa iba’t ibang industriya ang nag-alok ng 9,512 bakanteng posisyon. Nakapagtala rin ang aktibidad ng 1,550 qualified interviews, patunay sa dami ng oportunidad na nabuksan para sa mga aplikante.

Nakiisa rin ang pitong (7) government support agencies na naghatid ng mahahalagang serbisyo at impormasyon tungkol sa employment requirements, government programs, at iba pang tulong para sa mga naghahanap ng trabaho. Dahil dito, naging mas madali at mas kumpleto ang pagproseso ng kanilang mga aplikasyon.

Isa ang mega job fair sa mga regular na programang isinasagawa ng PESO upang mailapit ang mga oportunidad sa trabaho sa mga mamamayan. Sa pagsasama-sama ng mga employer, aplikante, at government agencies sa iisang lugar, napapabilis ang recruitment process at nagiging mas accessible ang paghahanap ng disenteng trabaho.

Hindi lamang mga Rosense ang nakinabang sa programa. Tinanggap din nito ang mga aplikante mula sa mga karatig-lungsod at bayan na naghahanap ng pagkakataon para sa mas maayos na kabuhayan.
Cityhood Mega Job Fair | 1,424 job seekers ang lumahok; 369 ang hired on the spot
Cityhood Mega Job Fair | 1,424 job seekers ang lumahok; 369 ang hired on the spot
Ang tagumpay ng Cityhood Mega Job Fair ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa, sa pangunguna ni Mayor Arlene B. Arcillas, katuwang si Vice Mayor Arnold B. Arcillas at ang Sangguniang Panlungsod, na palawakin ang access sa trabaho, suportahan ang mga employer, at magbukas ng mas maraming oportunidad para sa mga manggagawa.

Sa bawat aplikanteng nabibigyan ng trabaho, isang pamilya ang nagkakaroon ng mas matatag na pagkukunan ng kabuhayan at mas maliwanag na pag-asa para sa kinabukasan.
Share article:

Related Articles